Wednesday, March 22, 2006

GRANDE

(whilst looking through my college notes {yes i did go to college!}, came across a sheet paper with this on it. its in my writing but don't remember if i actually wrote it or copied it from a toilet wall or something. but then again, too stoned and too drunk to remember anything that happened in college. My point is, if this is plagiarism, SUE ME)

GRANDÉ

Ang aking kape ay dagat

Na nagbabadya ng unos

Gigising sa bawat natutulog

Na tilamisk na alaala

At ikaw ang makikita

Ngunit ako ay hihilahin

ng antok, Iaahon ng ugong

ng buhangin, mula sa paraisong

saglit na nagilalas

At mapupunit sa gitna

Ng araw at gabi

Na siyang nagaganap

Sa aking harapan

Habang umiinom ng Kape

Sa baybay

na pumupuwing sa aking mata